Sa pagpasok ng taong ito, ang PAMB o Protected Area Management Board En Banc ng MWS o Marinduque Wildlife Sanctuary ay nagdaos ng kanilang unang pagpupulong noong ika-26 ng Peberero, 2014, 9:40 ng umaga na ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall, Bayan ng Torrijos, Lalawigan ng Marinduke kung saan ito ay dinaluhan ng 28 PAMB Members at 33 mga iba pa mula sa DENR, LGUs at PNP.

Iminungkahi ni PG-ENRO Rolando Josue na bilang kinatawan ni RED Oscar C. Dominguez ng DENR-MIMAROPA at napagkaisahan ng PAMB, na si RTD Gwendolyn C. Bambalan ng DENR-PAWCZMS MIMAROPA ang pansamantalang maging Tagapangulo sa pagpupulong na iyon, na malugod namang tinanggap agad ni RTD Bambalan at nagpasalamat sa PAMB.

Ang mga mahahalagang paksang-usaping tinalakay sa pagpupulong ay ang mga sumusunod:

    1. Paglalahad ng Revised Project Proposal: “Effective Management for the Conservation and Protection of MWS”;
    2. Paglalagay ng BABALA (PAMB Resolution No. 2013-01);
    3. Pagbuo ng TWG: Tumagabok Ecotourism Project (PAMB Resolution No. 2013-02);
    4. Pagtatalaga ng mga bagong miyembro ng PAMB at mga halili (alternates);
    5. Pagpapalakas sa mga miyembro ng PAMB;
    6. Proposed Irrigation Project ng NIA-SRIP DAM Project sa Barangay Bagtingon, Buenavista;
    7. PAMB Uniform; at
    8. Law Enforcement sa MWS.

 

Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, pinagtibay ang PAMB Resolution No. 2013-01 sa pagkakabit ng billboard na may sukat na 4 ft. x 8 ft. na naglalaman ng BABALA para sa mga mamamayan tungkol sa mga batas ng Protected Area na ilalagay sa mga barangay na nasasakupan ng MWS.

Nabanggit ni PASu-Secretariat Efren L. Delos Reyes na ang PAMB ay bumuo din ng TWG o Technical Working Group upang pangunahan ang pag-aaral at pagbuo ng panibagong plano sa Development of Tumagabok Eco-Tourism Project sa pamamagitan ng Resolution No. 2013-02 kung saan ito rin ay mungkahi ng Provincial Government.

Bago magtapos ang pagpupulong, nagkaloob ng mga Certificates of Appointment na pirmado ni Secretary Ramon J. Paje sa mga dumalong regular na kasapi ng PAMB na pinangunahan nila PASu, CENRO Diwa, PENRO Rino, at RTD Bambalan.

 

Isinulat ni:

 

GEMMA P. DELOS REYES

Planning Officer II / Des. PENRO Information Officer